Mala Masusing Banghay-Aralin sa Baitang 9
Mala Masusing Banghay-Aralin sa Baitang 9
Pamantayan
- Ang mga mag-aaral ay nailalapat ang kahulugan ng supply batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.
- Layunin
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral sa ika-siyam na baitang ay inaasahang:
- nailalahad ng mabuti ang kahulugan ng supply at nasusuri ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa rito
- nabibigyang importansiya ang supply sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya sa pamamagitan nang matalinong pagdediskusiyon
- naisasagawa ang kahalagahan at kaugnayan ng mga salik na nakakapekto sa supply, sa pamamagitan ng graphic organizer
- Paksang Aralin
Reference: Ekonomiks. Araling Panlipunan. Modyul Para sa Mag-aaral
Paksa: Supply at mga Salik Nito
Materyales: Mga biswal, mga larawan
- Pamamaraan
- Panimulang Gawain (5 minuto)
a1. Pagdarasal
- May isang mag-aaral ng mangunguna sa panalangin
a2. Pagbati
- Bumati sa mga mag-aaral at sila sa guro
a3. Pag-aayos ng silid
- Ipapaayos sa mga mag-aaral ang mga upuan at pulutin ang mga nakakalat sa paligid ng silid bago sila umupo.
a4. Pagtatala ng Lumiban
- Ang guro ay magtatala ng mga mag-aaral na lumiban sa klase
- Pagbabalik Tanaw (5 minuto)
b1. Diba ang tinalakay natin noong nakaraang lingo ay tunkol sa Demand? Batay sa naintindihan niyo ano ba ang Demand?
b2. Maari niyo bang bangitin sa klase kung ano-anu ang ang mga salik na nakaka-apekto sa Demand?
b3. Mayroon pa ba kayong mga katanungan at klaripikasiyon tungkol sa Demand?
- Pagaganyak (5 minuto)
- May ipapakitang mga ginupit larawan sa mag-aaral, ipapabuo sa kanila ito at pipili sila nang kanilang representante na maglalahad kung ano ang nais ipahiwatig nito.
Hal.
- Ang lahat ng sagot niyo tama at ang mga larawang ito ay magiging daan para madali nating maintindihan ang ating tatalakaying paksa sa araw na ito.
- Paglalahad (15 minuto)
- Sino sa inyo ang nakabili na nang mamahaling bagay? At ano iyon?
- Alam niyo ba na lahat nang bagay at serbisyo na ating binibili ay dumadaan isa ibat-ibang klasing proseso.
- May ipapakitang biswal ang guro at magtatanong ito sa mga mag-aaral kung ano ang naiisip nila kapag narinig ang salitang supply.
Ano ang Supply?
Supply- ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa ibat-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Supply- Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
Mga Konsepto ng Supply:
Supply Schedule, Supply Curve at Supply Fucntion
Supply Schedule- Talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa ibat-ibang presyo.
Supply Curve- Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Supply Function- Matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Mga salik na nakakaapekto sa Supply:
Teknolohiya, Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon (Lupa, Kapital, Paggawa, Entrepreneurship), Bilang nang mga nagtitinda, Presyo nang kaugnay na produkto, Ekspektasiyon ng Presyo
- Paglalapat: (10 minuto)
- Hahatiin ang klase sa apat na grupo at bawat grupo ay inaasahang makabuo ng ideya tungkol sa ugnayan nang mga salik na nakakaapekto sa supply, ito ay gagawin nila sa pamamagitan nang paglikha nang isang graphic organizer.
- Paglalahat (5 minuto)
- Kukuha nang numero ang isang mag-aaral at ang taong nasa numerong iyon ang siyang sasagot sa aking tanong.
Q1. Paano inilalarawan ng supply curve ang batas ng supply?
Q2. Ilarawan ang kasalukuyang pag-uugali ng mga prodyuser dito sa ating bansa.
- Ebalwasiyon/Assesment (5 minuto)
Essay. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong. (10 Points)
- Ano ang iyong pangunahing dahilan para lumikha ng maraming produkto at serbisyo?
- Kung ikaw ay isang negosyante/nagbibili, ano ang dapat mong isaalang-alang maliban sa kumita? Ipaliwanag.
- Takdang Aralin (5 minuto)
Magsaliksik sa Internet!!! (10 puntos)
- Magtala ng mga malalaking kompanya na nagsusupply ng durian kendy dito sa ating lungsod.
Inihanda ni: Jay Cris Diaz
BSED-Social Studies
Comments
Post a Comment