Banghay Aralin Araling Panlipunan
DIAZ, JAY CRIS D. BSED-SS
Banghay Aralin
Araling Panlipunan
- LAYUNIN:
Pagkatapos ng apat naput limang minuto, ang mag-aaral sa ika-sampung baitang seksyon Rizal ay inaasahang:
- napapaliwanag ang kahulugan ng agrikultura;
- nasusuri ang bahaging ginampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa;
- natutukoy ang pagkakahati ng sektor ng agrikultura;
- nabibigyang halaga ang mga ibat-ibang ginagampanan ng agrikultura sa pagpapalago ng ating ekonomiyang pambansa sa pamamagitan ng pagsulat.
- PAKSANG ARALIN/ SANGGUNIAN
Modyul sa Ekonomiks. Pahina 363-370, Balitao et. al.
Paksa: Agrikultura at mga Sektor nito
Kagamitan: Mga Larawan, Kagamitang Pangsulat, Mga Biswal na tumutukoy sa sektor ng agrikultura Speaker, Laptop
- PAMAMARAAN
Pang araw-araw na Gawain (3 minuto)
- Pagdarasal
- Pagdulog sa guro
- Pagtala ng liban
- Paalala
- Pagbabalik aral
- Introduksiyon (7 minuto)
Magsitayo ang lahat at yumuko sa loob ng 25 segundo.
May ipaparinig ako na kanta sa inyo pinamagatang “Magtanim ay Di Biro”.
Sundan niyo ang galaw nang nasa video.
(Nakalipas ang isa't kalahating minuto).
Ano ang nabubuo o pumapasok sa inyong isipan habang isinasagawa ang awitin?
Ano ang nais ipahiwatig ng kanta sa atin?
Aling sektor kaya ng ating ekonomiya kabilang ang kantang ito?
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol sa sektor ng agrikultura at mga kontribusyon nito sa ating lipunan.
- Interaksiyon (15 minuto)
Ano ba ang agrikultura?
Nagmula sa salitang Latin na agricultura o agri na nangangahulugang field at cultura na ang ibig sabihin ay cultivation o growing.
Humigit kumulang na 7,100 na isla ang bumubuo sa Pilipinas at dahil sa lawak at dami ng lupain na ito napabilang ang ating bansa sa mga bansang agricultural. Sa katunayan marami sa mga mamamayan ay nasa sektor na ito.
Bakit kaya sa tingin ninyo malaking bahagi ng ating ekonomiya ay nakadipende sa sektor ng agrikultura?
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa Paghahalaman (Farming), Paghahayupan (Livestock), Pangingisda (Fishery), at Paggubat (Forestry).
Kakailanganin ko ang magboboluntaryo para idikit sa pisara ang mga salita sa ibabaw ng mesa, ihanay ito at kung saan ito nabibilang.
Paghahalaman – 


Paghahayupan –


Pangingisda –


Paggugubat –
Isa-isa kung ipapaliwanag ang mga sektor ng agrikultura.
Katuwang ng pamahalaan ang agrikultura sa pagpapalakas ng ating ekonomiya ito rin ang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan mula sa pagkain hanggang sa produksiyon.
Tumungo naman tayo sa kahalagahan ng agrikultura, para sa inyo gaano ba kahalaga ang sektor ng agrikultura bilang isang mag-aaral?
- Integrasiyon (10 minuto)
Bilang pagbubuod ng ating tinalakay, mayroon akong katanungan sa loob ng kahon, kung sino man ang huling nakahawak nito noong tumigil ang kanta ang siyang maswerteng sasagot nito.
Tanong sa loob ng kahon:
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng pangungusap.
- Ito ay isang sektor nang agrikultura kung saan ito ang pangunahing pananim na karaniwang kinukunsumo sa loob at labas ng bansa.
= Paghahalaman o Farming
Magkakaroon ng pangkatang gawain tayo.
Magbilang ng 1 hanggang 4 upang makabuo ng grupo.
Sa loob nang 3 minuto magbubuo kayo ng puzzle na inihanda ko.
Pumili ng representante na siyang magpapaliwanag nito.
Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong salita sa loob ng kahon at ilahad ito sa klase.
- EBALWASYON (5 minuto)
Kumuha ng sangkapat na papel at lagyan ng bilang 1 hanggang 2.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod at ipaliwanag ng mabuti ang iyong sagot.
- Sa tingin mo, dapat bang malaki ang pondo ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura? Bakit?
- Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
- TAKDANG ARALIN (2 minuto)
Sagutin ninyo ang katanungang ito at isulat sa kalahating papel.
- Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa pagpapatupad ng mga patakarang pang ekonomiya tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad?
- PANGWAKAS NA GAWAIN (3 minuto)
- Pagdarasal
- Pagpaalam sa guro.
hello sir , meron po ba kayo ng powerpoint nito?pwdi po ba ako humingi ng permiso para sa aking demo for ranking na kung pwedi po makahingi ng soft copy po ng inyong paksa na sektor ng agrikultura,.salamat po sir and GODBLESS PO
ReplyDelete