4A's na Banghay Aralin Sa Aralin Panlipunan 7
4A's na Banghay Aralin Sa AP 7
I.
Pamantayan
·
Natataya ang bahaging
ginampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay.
II.
Layunin:
Sa loob ng tatllong araw ang mga mag-aaral sa grade 7 ay
inaasahang:
o
Nalalaman at naipapaliwanag ang
kahulugan ng relihiyon
o
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng bawat relihiyon sa timog at kanlurang Asya
o
Napapahalagahan ang mga aral at
doktrina ng iba’t-ibang relihiyon sa timog at kanlurang Asya
o
Nakakagawa ng isang poster
tungkol sa mga mahahalagang bagay na kabilang sa iba’t-ibang relihiyon sa timog
at kanlurang Asya
III.
Paksang Aralin
A.
Sanggunian: Asya Pag-usbong ng
kabihasnan
B.
Paksa: Mga Relihiyon sa Asya
C.
Materyales: Mga Biswal, Mga
larawan
IV.
Pamamaraan
A.
Panimulang Gawain
A1. Pagdarasal
A2. Pagbati
A3. Pag-aayos ng silid
A4. Pagtatala ng lumiban
B.
Pagbabalik Aral
o
Class Hindi ba ang tinalakay
natin noong nakaraan ay tunkol sa sibilisasyong Sumer?
o
Ang Cunieform ay isa sa mga
mahahalagang bagay na naimbento ng mga taga sumer hindi ba?
o
At nalaman rin natin noong
nakaraan na sila ay matatagpuan sa pagitan nang dalawang ilog, ito ay ang mga
ilog ng Tigris at Euphrates.
C.
Activity
C1. Ang guro ay magbibigay sa mga mag-aaral ng mga
ginupit na larawan


C2.
Bubuuin ng mga mag-aaral ang nasabing larawan
C3.
Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang sariling intrepretasiyon tungkol sa
larawan.
D.
Analysis
D1. Ano ang inyong naiisip o nahihinuha ninyo kapag
narinig ang salitang RELIHIYON?
D2. Sino nga ba sa inyo ang napabilang o miyembro ng
isang relihiyon?
D3. Maari mo bang ilahad sa klase kung sino at ano ang
tawag sa pinuno nang inyong relihiyon?
D4. Bakit nga ba mayroong Relihiyon?
E.
Abstraction
E1. Ano ang Relihiyon?
o
Ito ay ang organisadong sistema
ng paniniwala, seremonya, at mga palatuntunan para sambahin ang Diyos at mga
diyos.
Hinduism
o
Ang mga Aryan ang nagtatag ng
pundasiyon ng Hinduism
o
Naitatag ang Hinduism noong
unang milenyo B.C.E
o
Tatlo ang pangunahing diyos
nito – si Brahma na tagapaglikha; si Vishnu na tagapangalaga; at si Shiva na
ang tagawasak
o
Brahman ang pandaig-digang
kaluluwa at ang wakas at tunay na realidad
o
Bahagi ng Hinduism ang
sistemang caste
o
Caste- Brahmin (pari at
iskolar); Kshatriya ( namumuno at mandirigma); Vaishya (magsasaka, artisan,
mangangalakal); Sudra (mangagawa at mga alipin)
o
Reinkarnasiyon ang siklo ng
kapanganakan at kamatayan
o
Karma ang kabuuang pagkilos ng
tao
o
Moksha ang paglaya sa siklo ng
kapanganakan at kamatayan
o
Nirvana ang tunay na
kaligayahan at katahimikan
Buddhism
o
Bagong relihiyon na nabuo sa
India ng dahil sa pagtutol nito sa caste system
o
Siddharta Gautama Buddha siya
ang nagtatag ng Buddhism
o
Si Siddharta ay hinulaan na
magiging dakilang manunubos
o
Iniwan niya ang kanyang
marangyang buhay para hanapin ang kaliwanagan at nais rin niyang makawala sa
pauli-ulit na reinkarnasiyon
o
49 na araw sa pamamagitan nang
meditasiyon natamo niya ang enlightenment habang naka upo sa ilalim ng bodhi
tree.
o
Naniniwala rin ang Buddhism sa
karma at reinkarnasiyon
o
Four noble truths
§ Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghiwalay
§ Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan at
patuloy na pamumuhay
§ Maalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa
§ Maaalis ang pagnanasa kung susunod saw along wastong landas
(Tamang Pag-iisip, Tamang Pananaw, Tamang Intensiyon,
Tamang Pagsasalita, Tamang Pagkilos, Tamang hanapbuhay, Tamang Pagkaunawa at
Tamang Konsentrasiyon.)
o
Nahahati ang Buddhism sa
Mahayana at Theravada Buddhism
o
Mahayana Buddhism itinataas
bilang isang diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa pagiging guro.
o
Theravada Buddhism nananatiling
isang guro si Buddha
Jainism
o
Itinatag ni Vardhamana o mas
kilalang Mahavira
o
Sa ika 13 taon natamo niya ang
kevala o katumbas ng nirvana
o
Tulad ng Hinduism at Buddhism
naniniwala ang Jainism sa reinkarnasiyon at karma
o
Bawal sa Jainism ang paggamit
ng dahas tinatawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan
o
Bawal ang pagkain nang karne
Sikhism
o
Sa panahon nang sigalot ng
Hinduism at Islam nabuo ang Sikhism, layunin nitong bumuo ng relihiyon na may pagkakapatiran
o
Itinatag ni Baba Nanak o mas
kilalang Guru Nanak
o
Guru Granth sahib ang kanilang
banal na aklat
o
Nirankar ang tawag sa diyos ng
Sikhism
o
Nais nilang sirain ang siklo ng
kapanganakan at kamatayan at makiisa sa diyos
o
Five cardinal vices (
Pagnanasang pansekswal, galit, kasakiman, pagkamakamundo at kahambugan.)
o
Sa India makikita ang Sikhism
Mga Relihiyon sa
kanlurang Asya ( Ikalawang araw ng talakayan)
Judaism
o
Ito ay monoteistikong relihiyon
na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa iisang diyos.
o
Ito ay relihiyon ng mga Jew
o
Torah ang kanilang banal na
aklat o nangangahulugang “ Batas at aral” na naglalaman ng limang aklat ni
Moses: Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy
o
Si Moses ang pinakadakilang
pinuno ng mga Jew
Kristiyanismo
o
Ito ay itinatag ni Hesukristo
noong unang siglo
o
Ito ay hango sa relihiyong
Judaism
o
Bibliya ang banal na aklat
o
Si Arius ang nagtatag ng
arianism na ang ibig sabihin ay may iisang makapangyarihang diyos ( Ama) at
dalawang mababang diyos ( Anak at Espirito Santo) at ito ay kinondena ng
simbahang katoliko
Islam
o
Ang ibig sabihin ng Islam ay
Kapayapaan at Pagsuko
o
Sa kabuuan ito ay kapayapaang
nadarama ng isang tao kapag isinuko niya ang lahat sa poong maykapal
o
Si Allah ang diyos ng Islam
o
Muslim o Moslem ang tagasunod
ng Islam
o
Si Muhammad ang natatag ng
Islam
o
Isinilang siya noong 571 C.E
o
Ikinasal siya kay Khadija isang
mangangalakal
o
Hindi tinangap ng mecca ang
relihiyon na nais ipahiwatig ni muhhamad kaya pumunta siya sa medina at doon ay
tinangap ito.
o
Madalas mag-away ang medina at
mecca ngunit sa bandang huli nanaig sang medina
o
Kaaba ang gusali na kung saan
napaloob ang Black Stone
o
Naniniwala sila na si
Hesukristo ay hindi diyos kundi propeta lamang
o
Naniniwala rin sila sa huling
paghuhukom
o
Kumalat ang Islam sa Timog,
Silangan at Timog- Silangang Asya
o
Five Pillars
o
Shahada- walang panginoon kundi
si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta
o
Salat- pagdarasal nang limang
beses sa isang araw
o
Zakat- ang pagiging bukas
palad, dapat tumulong sa mga nangangailangan
o
Sawm- ang Ramadan, paggunita sa
banal na buwan. Isang buwang pag- aayuno araw-araw, mula madaling araw hanggang
sa paglubog ng araw.
o
Hajj- paglalakbay sa mecca
minsan sa buong buhay ng isang Muslim
Zoroastrianism
o
Ito ay isang matandang
relihiyon sa daig-dig
o
Itinatag ni Zarathustra sa
Greece o Zrathosht sa India at Persia
o
Ahura Mazda ang kinikilalang diyos
ni Zoroaster
o
Zend Avesta ang banal na aklat
na naglalaman ng mga awit ni Zoroaster
o
Angra Mainyu masamang diyos sa
Zoroastrianism
o
Sa Iran at India matatagpuan
ang mga tagasunod nito
F.
Application ( Ikalawang Araw
pagkatapos nang Talakayan)
o
Magkakaroon nang isang mala
“game kana ba” na laro ang apat na grupo ng mag-aaral at pupunain nlia ang mga
hinihingi ng tsart.
o
At ang grupong makakapuna nang
marami ang siyang tatanghaling panalo.
o
1st Group = 10
Puntos
o
2nd Group = 8 Puntos
o
3rd Group = 6 Puntos
o
4th Group = 5 Puntos
Relihiyon
|
Banal
na Aklat
|
Diyos
|
Nagtatag
|
Uri
|
Hinduism
|
||||
Buddhism
|
||||
Judaism
|
||||
Islam
|
||||
Kristiyanismo
|
o
Hahatiin ang klase sa 4 na
grupo at ang bawat grupo ay inaasahang makaga nang poster tungkol sa sa mga
mahahalagang aral at doktrina ng mga relihiyon sa timog at kanlurang Asya. (Ikatlong Araw pagkatapos nang talakayan)
Rubrics:
Creativity
|
50 %
|
Message
|
50 %
|
Total
|
100 %
|
G.
Paglalahat
o
Ang guro ay magpapatug-tog ng
isang awit habang ang mga mag-aaral ay ipinagpapasa-pasa ang isang kahon na nag
lalaman nang katanungan:
1.
Ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba nang Islam, Judaism at Kristiyanismo?
2.
Ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba nang Hinduism at Buddhism?
3.
Bilang mag-aaral paano mo
maipapaliwanag ang kahalagahan ng reilihiyon sa lipunan?
V.
Ebalwasiyon ( Ikatlong Araw
pagkatpos nang Application)
Ibigay ang hiningi ng pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa sang kapat ¼ na papel.
1.
Siya ang nagtatag nang
relihiyong Zoroastrianism.
2.
Ang tawag sa mga tagasunod ng Islam.

3.
Si Yahwe ang Diyos
nang .

4.
Si HesuKristo ang
Diyos nang .

5.
Ang tagapagwasak na diyos nang
Hinduism.
VI.
Takdang Aralin (Ikatlong Araw
pagkatpos nang Ebalwasiyon)
1.
Bilang isang mag-aaral paano mo
maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa ibat-ibang relihiyon dito sa mundo?
2.
Ano ang maaari mong gawin para
magkaroon nang kapayaan sa atin ating mundo sa kabila nang ibat-ibang
paniniwala ng tao.
Rubrics:
Creativity
|
50 %
|
Message
|
50 %
|
Total
|
100 %
|
Inihanda ni: Mr. Jay Cris Diaz
BSED- SOCIAL STUDIES
For educational purposes only :)
ReplyDeletethank u.
Deletethank u.
Deleteyour welcome :)
Deletesalamat po :)
ReplyDeleteYou're welcome
Delete